Hindi ako sigurado kung ang tawag sa tsokolate eh noong panahon ni Padre Salvi ay tsokolate batirol na. Hindi naman yata nabanggit sa Noli (Noli Me Tangere).
Ayon sa isang Spanish-English dictionary, 'bater' ay 'to beat or wisk; 'batedera' ay 'whisk,' 'beater' o 'mixer.' Dahil mahilig tayo sa short cut, ginawa natin itong 'batidor' o 'batirol.'
Ang mga Mehikano daw ang nag-imbento ng batirol -- isang kitchen implement na gawa sa kahoy, may ulong bilugan at ukit-ukit at buntot na mahaba at makinis. Muchas gracias, senyores.
May Pasko bang walang umuusok na tsokolate, mapait-pait, manamis-namis, at mabula-bula? Para sa akin, wala! Hamon at tsokolate ang Noche Buena ng aking kabataan. Aali-aligid ako habang nagpapakulo na ng tsokolate ang Nanay ko, sa pagasang ako ang mauutusang magbati ng tsokolate. Eh hawak ko na ang batirol -- ganyan ako kakulit -- may magagawa pa ba siya? Dahan-dahan kong ibababad ang batirol sa tsokolateng wala na sa apoy, at paiikutin hanggang lumapot at bumula. Bilib sa akin ang Nanay ko -- napapataas ko ang bula.Read more ...
3 comments:
Abaw, may tsokeh at tsokah pala, di ko alam yan!
Nothing beats freshly made tsokolate from the tabliya made from our backyard cacao before or from our local suppliers.
Oh, long forgotten memories. Tsokolate on rice , with my favorite 'kisiyo' ( kesong puti )and fried dilis! H-e-a-v-e-n!
Back home, we still have our wooden batirol and the pewter receptacle. I have to make sure that my folks back home save them ( i'm pretty sure , they are still using them ) ...they would make for interesting 'antique-kuno ' decor.
Thanks for 'taking' me back home AM.
Wow, I think i just might try chocolate on rice with fried dilis (hard to find kesong puti here. Guess that shouldn't be different from carabao's milk on steaming rice with tapang baka.
Yes. You should keep them. We had a set too but we used a kapetera, not really the chocoletera (made of pewter pala yun.
Do you call tsokolate sikwate?
In Waray , it is tsokolateh ;) . In Cebuano and other Visayan dialects , it is sikwate. My sister's mother-in-law has her own sikwate-puto ( not the rice muffins , but more like the gelatinous rice puto eaten with mango , what a combo ha) stall in their Baybay , Leyte town. When my father visited one time, the balae asked him if he wanted sikwate to go with his puto, Papa requested for kape instead because he thinks it goes better with puto. Little did he know that puto in Cebuano Visayan means our 'sinakugan' ( the malagkit that we always pair with hot chocolate ) . He regretted his choice, of course.
Post a Comment