Sa tradisyonal na mundo ng tahanang Pinoy, markado ang mga papel ng lalaki at babae. Dito, ang Ginoo ang lumalabas upang makibaka sa mas malaking mundo. Ang Ginang naman ang mapagpalang kamay na nagpapatakbo sa tahanan upang maging maaliwalas at kaaliw-aliw paguwi ni Mister.
Sa machong mundong ito, isang kalapastanganan ang konsepto ng ‘tatay na nanay.’
Nguni’t dati lang yun. Umikot na ang mundo ng bahay Pinoy. Nalindol na din ang mas malaking mundo. Naalog na ang mga pagtingin at papel sa buhay. Dahil sa pagbabagong dala ng mas bukas, mas praktikal, at mas makatarungang pananaw.
Sa nakaraang 20ng taon, naimbento ang salitang house husband o, di naglaon, houseband. Mayroong mas kyut na tawag sa kanila -- ‘ginoong mom’ o ‘mister mom.’ Basta, ano man ang bansag, sila ang mga lalaking maybahay -- mga ginoong nagaasikaso sa anak at sa bahay habang si ginang ay naghahanap-buhay.
No comments:
Post a Comment