Sunday, April 4, 2010
Si Kristo Bilang "Tao Lamang"
Si Kristo’y namatay. Si Kristo’y nabuhay. Si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon.
Sabi nila, dito umiikot ang paniniwalang Kristiyano.
Ako’y Kristiyano dahil sinasamba ko si Hesukristo.
Mahal ko si Hesus at di gaanong mahalaga sa akin kung siya'y namatay at nanatiling patay, kung siya ay Diyos o tao o Diyos na nagkatawang tao o taong lubos na naging maka-Diyos at dahil dito’y nagkaroon ng pagka-Diyos. Hindi makakapagbago sa pagmamahal ko sa Kanya kung siya ay nagka-asawa o hindi, nagkana-anak o hindi. Kung naranasan niya ang mga bugso ng damdamin ng tulad nating ‘tao lamang' o hindi.
Hindi yata masyadong totoo iyan. Kasi, kung ako lang ang masusunod, mas nais kong si Hesus -- si Hesus na Kuya ko, o si Pareng Jess para sa iba -- ay nakaranas ng buong ispektrum ng pagmamahal, tuwa, pagnanasa, galit, takot, lungkot, pagaalinlangan – katulad ko at katulad ninyo. Masarap sa aking isiping siya'y tumatawa, naaasar, lumuluha, Na naranasan niya ang panhik-panaog ng kalooban ng “tao lamang” – minsa’y malakas, minsa’y mabuway, minsa’y patumpik-tumpik, minsa’y manhid, minsa’y nag-aapoy.
Read more ...

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment