Monday, April 26, 2010
Sa panahon ng MO/MU, uso pa ba 'I love you?'
Ligaw tingin. Pero tinging makalaglag-matsing.
Yan daw ang ginagawa niyang pagpaparamdam sa babaeng napupusuan – sabi ng anak kong binata. Ayaw niyang aminin na torpe siya. Yan lang daw ang istayl niya.
'Tapos?’ -- tanong ko.
'Tapos, depende sa kontra-tingin -- alam ko na ang timpla,’ sabi niyang alanganin ang ngiti.
Paano ba binababasa o linalasa ang tingin ng dalaga?
Eto ang paliwanag niya.
Pag ang balik tingin ay wala lang, dedma, burahin mo na lang siya sa iyong alaala Pag galit at inis, lumayo-layo ka na. At pag bumulalas pa ng tawa, sampalin mo ang sarili mo o magpakain ka na lang sa buwaya.
Pero pag ang tingin sa iyo ng dalaga ay tila nagtatanong sabay kiling ng leeg, oy, may pagasa. Pag may ngiting pigil o manibalang, at lalo na kung mamumula pa ang pisngi niya – aba, wagi ka! Pag iwas-tingin naman siya, na tila nahihiya, malamang din may biyaya.
‘Tapos, pag natimpla na?’
‘Eh di magpapalitan na kami ng phone number. Magtatawagan. Magyayayaan nang kumain, manuod ng sine, mamasyal. ‘Yun.’
‘Kayo na?’
‘Kami na.’
Pag ‘sila na,’ aasahan ko nang may bago na namang dalaga siyang laging dadalhin sa bahay – laging maganda, laging palangiti, at karinyosa. Minsan, nagtururuan sila ng chess. Minsan naman naglalaro sila ng computer games. Kadalasan, nanunood sila ng TV – DVD marathon ang tawag nila. Kapag masyadong gabi na, ‘makikitulog na lang daw kung maari.’ Siempre, sa kuwarto ng binata ko hihiga ang bisita; siya naman sa sopa sa sala. Sos, ‘yan ang problema. Scrabble na namang magdamag si Nanay sa kompyuter sa sala!
Wala daw akong tiwala sa kanila, bulong-bulong ng anak ko. Hindi ko lang masabi -- may tiwala naman ako sa kabataan; sa hormones nila, wala.
Minsan, ang anak ko naman ang hindi uuwi at makikitulog sa bahay ng nobya. Hindi ko na pinag-aaksayahan ng buntong-hininga iyan. Matutulog na lang ako nang mahimbing. Hindi ko na problema ‘yun. Problema na ‘yun ng nanay sa kabilang bahay.
Hindi ko na mabilang ang mga dalagang natulog sa bahay. Papalit-palit kasi ng nobya ang binatang ngayon ay malapit nang maging matandang binata.
Hayskul siya nang matutong manligaw.
Click here to read more

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
hindi ko alam ang MO at MOMOL. salamat sa info.
baligtad na nga ata ang mundo. mas iba ang feeling kung babae ang anak na modern and independent ang line of thinking. sabi rin sa akin wala akong tiwala sa kanya. at tulad me, di naman sa kanya ako walang tiwala, kung di sa hormones nya.
Iba na nga ang panahon ngayon. Nagugulat nalang ako sa mga kabataan ngayon. Dahil marahil madami na sa mga babae ang marunong magmaneho, mas gusto nalang nila magkita sa lugar kung saan sila mag-date. Parang mas gusto ko pa din na susunduin ng lalaki ang babae sa bahay para makita ng mga magulang at makilala ang kasamang mag-date.
Dati 9pm ang start ng night life. Pero ngayon grabe, 11pm palang umaalis ng bahay.
try nyo naman mag solitaire o kaya mineweeper sa sala :)
Post a Comment