Sunday, May 30, 2010

Chronically lost and officially sexy? (Understanding geographic dyslexia)


Si Pining, kaibigan at kabarkada ko noong hayskul, ay tsampyon sa pagiging ligawin – 50 daw ang nagpahahayag ng pagibig sa kanya noong hayskul, at di pa kabilang dito ang mga torpeng binatilyong pasulyap-sulyap lang sa kanyang direksyon.

Limampu?! – ang tanong ko sa kanya habang halos magkandapatid ang aking ugat sa gulat o ngitngit (o inggit). Hindi ko masabi sa bruha: “Eh kaya pala walang natira sa aking boylets!”

Sa sobrang pagka-allergic ni Pining sa manliligaw, pinagupit niya ang kanyang mahaba at kulay uling na buhok nang tumuntong siya ng kolehiyo. Buhok daw kase ang nakahalina sa kanyang mga tagahanga. Hindi pa nagkasya doon, tinago ang balantok na binti sa paldang hanggang sakong ang haba, at sinubsob ang ulo sa mga libro. Kung hindi daw niya ginawa yun, baka hindi siya nakatapos ng pag-aaral. O hindi siya nakatapos nang may karangalan. Istorbo daw kasi ang pagiging ligawin.

Nguni’t sadyang iniligaw ko kayo. Pasensya na, dahil hindi ito ang tipo ng pagka-ligawin na gusto kong tumbukin sa artikulong ito.

Kundi ang tipong pagiging ligawin na sa tingin ko’y ako ang may hawak ng setro at korona, nang walang pangambang may magtatangkang mang-agaw o mag-protesta.

Oo, napaka-ligawin ko. “Nasaan ako?” “Kakanan ba ako, kakaliwa, o dederetso?” “Papunta ba ako o paalis?” Ito ang istorya ng buhay ko. Isang buhay na hitik sa di-mabilang na pagkawala, paghahanap, at muling pagtatagpo – at hindi sa eksistensyal na kahulugan ng mga salitang ito na disin sana ay maipagmamalaki ko kaysa ikahiya.

Click here to read more

No comments:

Stat Counter