Thursday, January 13, 2011
Resolved as it is hereby resolved 1: muling pagsusulat
Sa buong buhay ko, hindi ako kailanman naglista ng New Year’s resolution – puwera na lang marahil kung ako ay napilitan nang ako’y nasa hayskul dahil asaynment ito sa Homeroom o sa English Composition o sa Pilipino) pagkatapos ng dalawang linggong Christmas vacation.
Hindi ko alam bakit hindi ako naki-uso sa ganitong tradisyon. Wala bang dapat baguhin sa buhay o sa katauhan ko? (Ang sagot: marami, hindi nga mabilang. Kung baga sa kotse, hindi lang kumpuni ang kailangan kundi major overhaul). Hindi ba ako naniniwala sa kakayahan kong tuparin ang mga pagbabagong ninanasa? (Marahil, nguni’t paano malalaman kung hindi susubukan?) O tamad lang ako o walang panahon o tiyagang mag-litanya ng mga resolusyon? (Tamad? -- medyo. Walang panahon? -- hindi yata, lalo na ngayong namaalam na ako -- o, kay tamis na GOODbye -- sa dati kong kaaway at inaaway na bundy clock. Walang tiyaga? -- oong-oo. Pati nga pagkain, kinakainipan ko, kaya kadalasan nasusuway ang “unang utos” sa Food and Nutrition na “chew your food well” ).
Nguni’t nitong pagpasok ng 2011, ginulat ko ang sarili ko sa pamamagitan ng pagbigay ng ultimatum sa sarili ko upang umpisahan ang mga prayoridad na dapat gawin. Hindi ko man tinatak sa papel ang mga ito, tila bumaon naman sa utak ko. Dahil kaya nararamdaman kong kulang na ako ng tinatatawag na luxury of time na sabi nga ay wala ring tiyagang maghintay kangino man?
Muling pagsusulat
Mag-uumpisa ulit ako ng daily journal, sabi ko sa sarili ko -- isang gawain na sinangtabi ko nang nahaling ako sa pagba-blog sa Internet. Mahigit na dalawang dosena na ang napuno kong kuwaderno kung saan ko binubunton ang lahat ng kadramahan ko sa buhay – maliit, malaki, o pinalaki. Matagal ko ding prinoblema ang mga kuwadernong ito (kay dami naman kase!) – sino ang pupunit o susunog sa kanila kapag may nangyaring hindi inaasahan? Paghati-hatiin ko kaya sa aking mga anak bilang kapalit sa ari-arian at kayamanang hindi ko naipundar? Tanggapin kaya nila? God provides, wika nga, dahil noong isang taon lahat ng papel sa bahay – libro, magasin, litrato, kuaderno, kalendaryo – ay inanod o winasak ni Ondoy. May nailigtas man, dahil nagdikit-dikit ang mga pahina, sa basurahan din humantong.
Susulat akong muli. Kailangan ko ng talambuhay sa pagwawakas ng aking panahon. Hindi lamang para sa mga madramang pangyayari (na pakonti na nang pakonti kahit nga pilit akong nangi-imbento at nagpapasimuno) kundi para rin sa mga pangkaraniwang mga ritwal. Kailangan ko ng tala -- kailan ba ako huling/dapat akong muling magpunta sa bangko, sa post office, sa grocery store, sa doktor, sa botika, sa VFI (kung saan ako sumusulat), sa UP ISSI (kung saan muli akong susulat)? Hwag nyong sabihing “to-do” list lang ang katapat nito, o isang organizer. Ang hindi mapagkait na ispasyo ng kuaderno ang kailangan ko dahil kahit pamimili o pagbabangko, kaya ko pa ding singitan ng drama – o hindi ako si Annamanila.
Kay rami kong natanggap na fancy notebook, note pad at stationery noong nakaraang Pasko. Kung hindi ito isang pagtutulak na ako’y muling magsulat, hindi ko alam kung ano ang itatawag.
(sa susunod: pagkukumpuni ng lumang makina)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
8 comments:
hello Annamanila,
Magaling ka kasing sumulat kaya iyan, pahalimpayag nga ng tadhana na kailangan isulat mo ang mga magaganda o di magagandang pangyayari sa iyong buhay. Masarap magsulat pero mahirap kung laging aaraw-arawin. Siguro nga, sanayan lang yan. Sana nga eh, matupad mo ang resolusyon na yan.
Pahayag din na kailangan sulatan mo ako sa isa sa magagandang notepad na natanggap mo.
Sana ay nasa mabuti kang kalagayan.
Leah
i LIKE ! :)
inumpisahan ko ring mag journal noong buwan ng september ng nakaraang taon.
gusto ko kasi doon isulat ang lahat ng sentimiyento ko sa buhay para hindi mag build up. malapit na ngang maubos ang isang notebook. :)
masarap balikan at basahin ang mga talata ng nakaraan...:)
its always goood to express yourself even sa blogging lng po. kasi ma wawala ang mga stress mo sa buhay2x. keep it up.
sige lang, sulat lang ng sulat, hangga't may panulat, susulatan at tulak para magsulat :)
magandang araw po..
Leah, sige, padalhan kita ng note with my 'annamanila' stationery ... and sana i can toss him something else with the note .. hehe
Rhoda ... it's a good way to vent .. lahat ng toxins ibuhos mo, pati iyak mo ... malay mo makagawa ka ng book.
Ever ... tutuo 'yan. At saka ako .. at this stage, kailangan ko na talaga memory aide. haha
Corekajan Pacquiao Mosley. and thanks for reading my blog.
Dimaks .. musta na. Malapit ka na maging Dr. Dimaks? Your family still in Japan?
its always good that our past is written somewhere for we can read it all over again with a smile in it for past is past and we cannot change it.
Post a Comment